Luli, Ang tinatanong mo ay napakagandang tanong ano poh. Kasi noong mga
nakaraang taon, dumating din sa punto na ako'y naging malungkot na malungkot na sa pamamagitan nun ay masasabi kong ako'y
tuloy-tuloy na nabalisa sa aking sarili dahil di ko matanggap ang pangyayari. Natatandaan ko pa nung Agosto 29, 2005. Matagal
kong hinintay ang araw na yaon dahil sa wakas ay magkakaroon ako ng pagkakataon maglakbay papunta sa Queen of the South na
magbabarko. Kaya naman kinuha ko ang orasan para gisingin ako ng mga alas 5:15 sa madalaing araw upang ihanda ang sarili
sa dakilang araw ngpaglalakbay.
Ang binili kong first class ticket sa barko ay magbibigay sa aking ng pahintulot upang pumasok
sa isang magarang kwarto ng barko at magbibigay rin ng iba pang karapatan upang magsaliksik sa barko. Ngunit may nangyaring
di ko inaasahan, hindi pinahihintulot sa akin ang mga prebilihiyong kalakip ng first class ticket ko.
Hinintay ko ng napakatagal ang araw na yaon, hindi ko maintindihan kung bakit. Nalito ako at naguluhan
sa pinagsasabi sa akin ng kapitan. kaya sa isip ko ay tanong na paulit-ulit at ito'y "bakit?"
Pero sa mahigit na dalawang oras na pagbabasa ng aking mga dokumentos tungkol sa ticket ko'y meron
akong napansin. Ang binili kong first class ticket na magbibigay sa akin ng pahintulot upang makakuha ng maraming prebilihiyo
ay may nakasulat na di ko napansin. Binili ko ang ticket na yaon dalawang buwan bago ang araw na paglalayag tapos di
ko man lang napansin ang nakasulat na "Expiration Date August 24, 2005".
"Hindi maganda ito." Sabi ko sa mamang kapitan.
"Umalis ka na dito." Ang sagot nya.
Ang kanyang mga sinabi, ang mga salitang yaon ay nagdulot ng malalim na sugat sa akin. Hindi lamang
ako nalungkot sa pangyayari kundi ako rin ay nagalit dahil sa sinagot sa akin ng kapitan. Tinuro nya ang expiration
date at sa ganun-ganun lang ay parang ako'y gustong itapon sa labas ng barko.
Isa lang ang ginawa ko, hinanap ko ang website nila at kinuha ang address ng kapitang yaon at binugbog
ko kinabukasan. Sa tingin ko hindi gusto ng asawa ng kapitan na bugbugin ko ito kaya pinakulong ako agad-agad. Doon sa loob
ay binago ako. hindi na ako kagaya ng dati pati sa aking pananamit, di lang ako naging marahas naging bastos rin. Kaya
naman akoy nabugbog rin sa loob. Mag-ingat na lang sa akin yung bumugbog sa akin pagnakita ko sila sa labas.
Sa ngayon ay hindi ko malilimutan ang panloloko sa akin tungkol sa ticket na yun. Dahil mali
ang pagtingin ko sa kwatro at nuebe.
Hindi rin ako nagtagumpay sa bandang huli dahil nun.
Para sagutin ang katanungan mo Luli, sa tingin ko ay parang wala ka ng pag-asa.
Talaga nga namang ganun ang buhay, una-unahan lang yan.
parang gaya rin sa akin ang sitwasyon mo Luli, hindi ko alam ang sasabihin ko.